Wednesday, July 16, 2008

Trapik

Traffic light
oh traffic light
patay-sindi
parang disco light

Nguso ng mga dyipni
Parang ngiping dikit-dikit
Buhol-buhol na trapik
Sa mata’y anong sakit

Busina nila
Sa tenga’y nakatutuliglig
Usok ng tambutso
Sa dibdib ay nakasisikip

Usad ng sasakyan
Iisang pulgada lamang
At kung umandar man
Parang pagong sa kabagalan

Pasahero sa dyip
Sa tagal ay naidlip
Tulo ang laway
Habang humihilik



SOURCE: http://jhoyimperial.wordpress.com/2008/02/14/trapik/

No comments: