sabi ko sa sarili ko noon, hindi na ako magkakagusto sa kahit sino sa internet pero hindi ko kayang hindi kausapin 'tong babaeng 'to na nakilala ko lang through chat. sobrang tagal na namin naguusap. 2 years na ata? im not sure. pero matagal na nga kami nagusap.
nung una, kala ko tomboy to. ang kulit kasing kausap. everytime na nakakausap ko before. parang lageng may tama. hindi ko makausap ng mabuti. tawa ng tawa. walang sineseryoso sa mga tanung ko. kaya kung anu ano na lang napapagkamalan ko sa kanya. sabe ko pa, sayang maganda pa naman tomboy nga lang.
grabe, sobrang crush ko talaga sya nung una ko pa lang sya nakita sa friendster. nagandahan na talaga ako sa kanya.
minsan nga, naiisip ko na may girlfriend sya, sobrang inggit talaga ako.
tas one time, natuwa na ako sa kanya, nakausap ko na sya ng matagal tagal sa ym. medyo nagkaroon kami ng mga seryosong conversation. nagkamali ako, marunong din palang makipagusap ng seryoso sya. mukhang ayos naman. kala ko kasi nun, may tama na talaga un.
tas un, napagusapan namin one time ung boyfriend niyang manyak. oo, boyfriend! dun ako nagulat. mali ako, hindi sya tomboy! natuwa naman akong hindi sya tomboy, pero i felt sorry sa kanya about sa nangyare sa kanya with her boyfriend.
ngaun, nagiging close na kami totally, nakakatuwa kasi sya, sobra. ang saya kausap. pero hindi pa ako nakakasigurado. nakikilala ko na ung 'totoong sya'. nalaman ko through convo namin na medyo magkapareho kami ng pagiisip pero syempre madami din kaming differences sa thinking.
tas nung isang araw, tinamaan ng kakulitan. binuking ako na may crush ako sa kanya. syempre hindi ko naman pwede sabihin na wala akong crush sa kanya diba. soo, oo na lang ako. hanggang nagsasabihan na kami ng ''i love you'' sa isat isa.
alam ko naman hindi un seryoso, i think. hindi ko naman masabe na seryoso sya dun. and takot akong mainlove sa internet. sobrang maloloko talaga ako. feeling ko talaga sobrang nagugustuhan ko na sya. panu yan kung napamahal ako sa kanya? tae naman. yoko talaga nito eh. haii.. anu ba.
yoko naman na iignore sya. masyadong sad un pag ginawa ko un. grabe talaga.
sa ngaun, hindi ko sya nakausap. haii.. sobrang nadisappointed ako, hindi sa kanya pero sa mga gusto kong ishare na mga conversations. grabe talaga. sa susunod na lang probably. hai. sad naman.
Friday, May 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment