Friday, May 9, 2008

Buhay nga naman!

sulat muna ako about sa life ko ah. cant be bothered to speak in english. anyway....

ahh yes! congratulations kay ate maan and erwin, newly weds na silang dalawa, sobrang happy talaga ako para sa inyong dalawa. sana nag-hhuniebunchkins pa din kau hanggang tumanda kaung dalawa! sobrang pagtatawanan talaga kau ng mga apo natin nun. haha. hindi ko maimagine. mukhang hindi naman kayo maglolokohan. lagot ka talaga saken erwin kung nangyare un.

soo, ibig sabihin nun, hindi na sila sa bahay titira. nakapaghanap na silang dalawa ng apartment kasama si ate krystle with them. next week, wala na sila sa bahay. sobrang mamimiss ko silang dalawa katulad ni kuya and ate krystle. grabe talaga. maglilipat din kami, kasi sobrang daming vacant rooms and hindi na kaya bayaran ng parents ko ung mortgage.

nagsisimula ng maghanap ng new house sila mama. sana makahanap lang sila around new lynn. pero okay lang din naman kung hindi dun, gusto ko lang ung walking distance sa school and ung hindi mahihirapan sumakay ng bus. hehe. hirap din kasing makapag-adjust sa isang place eh. minsan talaga nahohome sick ako.

si ate angel, nagbabalak ng umalis ng new zealand para dun sa tomboy nyang partner sa dubai. pakshet talaga. hindi ko talaga masabe kay ate ung gusto ko talagang ilabas na feelings/galet sa kanya. hindi ko alam kung panu sisimulan. naasar ako dun sa tomboy nyang partner. alam kong hindi naman sya masama, pero naasar talaga ako everytime na naririnig ko name nya tas sila ysa and monica, medyo close na sila. fuuucccckkkkk. anu ba meron sa kanya? tangena talaga.

hay, panu na nyan si mama? hindi lalo sya makakatulog ng mabuti nito kasi sa mga nangyayare sa family namin ngaun, tas siguro magkaka-financial problem nanaman kami dahil kay daddy. alam ko lageng nagaalala kela kuya at ate krystle un. tas mawawala pa sa sila ate maan and ate angel.

nagaalala talaga ako kay mama, gusto ko syang tulungan pero hindi ko alam kung panu. hindi ko pa napipicture sarili after highschool. kung successful ba ako. ewan. even kung nakatapos ako ng university. hindi pa nga ako sure kung IT talaga gusto kong kunin sa university eh. parang ako na lang tuloy last resort ni mama sa lahat ng pinoproblema nya. gusto ko talagang hindi madisappoint saken si mama. anu ba yan. ewan ewan ewan. minsan talaga. ito lang ung pumoproblema saken. hindi ako makapagisip ng maayos dahil sa mga nangyayare. sana okay pa kami pag nakapaglipat na kami.

ganito ba talaga dapat? haay. sobrang naiipit ako sa mga nangyayare. dapat hindi ito iniisip ko eh. dapat nagpapakasaya ako sa mga friends ko. dapat ginagawa ko ung mga ginagawa ng mga ordinaryong bata dyan sa labas. hindi ito, nagpoproblema sa buhay. hindi ko nga alam kung pupunta pa akong prom next term, para kasing malaking gastos un. tas wala pa ako masyadong ipon. grabedad talaga.

hindi ako ganito before kami pumunta dito sa punyetang new zealand eh. sobrang masayahin talaga ako. happy-go-lucky-highschool student ung walang iniisip na kung anu ano at sila nagpoproblema saken. tae miss ko na talaga ung dating ako. tae naman kasi. maganda naman buhay namin sa pinas. bat pa kami pumunta dito. hindi naman kami namomroblema sa buhay. daddy ko lang naman ung may tinatakbuhan kaya sya pumunta dito. punyeta.

ung una pa lang, naamoy ko na ung problema nung pagkababa na pagkababa ko dito sa new zealand eh. tae talaga. bat ba kami pumunta dito? wala naman problema sa financial. maganda position ni daddy sa trabaho niya. vice president. tas kung pinatapos lang nya kami ng college sa pinas, dapat walang problema na ngaun. eh hindi. haay.

anu ba. ganito ba talaga dapat? sana maayos na ito kahit alam kong impossible. haay. punyeta talaga. sa susunod na lang ulit. salamat sa pagbabasa sa masaya kong buhay.

No comments: