Sunday, April 20, 2008

Miss ko na sila.

Miss ko na talaga lahat ng batchmates ko sa pinas. talaga! sobrang miss ko na sila as in sobrang tatahimik ulit ako pag nakita ko sila right now.

natatandaan ko nung umattend ako nung performance nung batch ko sa southridge. tae. hindi ko man lamang nasabe ung mga gusto kong sabihin. syempre. napatahimik ako sa sobrang saya na nagkita kita ulit kami at medyo naging uncomfortable ako sa kanila. sa tagal naming hindi nagkita.

pero sa totoo lang miss ko na lahat ng batchmates ko sa Sacred Heart School, sa Southridge tas syempre hinding hindi ko kakalimutan ung mga tarantado kong batchmates at mga upper batchmen sa Lycee.

Hindi lang naman ung mga batchmates ko ung gusto kong makita. ung mga kaibigan kong sobra kung mangasar saken at nagtataka kung napipikon ba ako or hindi. haha. ung mga taga-Armstrong Villas, and ung mga new friends ko bago ako umalis, mga Sta. Rita Tambay and DotA boys.

Tae talaga. sobrang miss ko na talaga sila.

pero alam kong magkikita pa din naman tayo eh. makakabunggo ko din ang isa sa kanila. sana makilala pa at hindi makalimut sa mga naging magagandang pagsasama.

No comments: