Wednesday, April 16, 2008

Mensahe para kanino?

"Takot ako sa daga pero higit diyan meron pa akong ibang kinatatakutan. Hindi yung halimaw kong Prof. sa Accounting, hindi rin yung babaeng nagpaiyak sakin (iyakan daw ba yung babae, siyempre nanay ko yun). Takot ako sa kinabukasan. Takot akong makita ang hinaharap natin, tayo bilang mga Pilipino (naks makabayan). Napakagulo ng lipunan natin: pulitika, seguridad, pananalapi at halos lahat ng aspeto ng lipunan. Takot akong tumanda at magkapamilya nang hindi si...ang asawa ko, oops mali! Ibig kong sabihin, takot akong tumanda at magkapamilya sa napakagulo at walang kasiguraduhang lugar na 'to"

URL:
http://peyups.com/article.khtml?sid=4348


Hindi talaga yan ang topic na gustong ipalabas ng gumawa ng article na yan. Sabihin nating natripan ko ung part na yan. Yan kasi ako. Yan ang mga araw araw na pumapasok sa ulo ko. Ang gulo nga eh. Parang minsan ayaw ko na mabuhay. Nahihirapang huminga. Ewan. Hindi dapat to pinoproblema ko. Kung paano dapat ako pumasa sa susunod na exams ko. Kung paano ko mapapaimpress ang mga teachers ko. Yun dapat. Hai. Hindi din kasi maiwasang isipin ang mga ganitong bagay sa mga araw na palapit na palapit na ang takda (kung anu man plano mo saken).

No comments: