nagsimula lahat ng ito nung 6th form ako. internet addict pa ako nung mga time na un. add ng add kung sino sino. random peeps. random people. random person. haha. tas bigla ko na lang napaadd ung kaklase ko sa computer.
oo aaminin ko na. may maliit na crush ako sa kanya ung mga oras na un. maganda sya sa paningin ko. nagusap kami sa internet. konti konting napadikit ang aming pagsasamahan. gumagaan ang loob pag nakakausap. at kinuha ko ung number nya. ngitiy hindi matumbasan nung mga oras na un. kinikilig na para lang nakikiti sila piolo at juday sa bagong pelikula sa tuwing nakakausap.... pero sa net lang.
hindi kami masyado nakakapagusap sa school or even sa personal. sobra ang takot ko. hindi ko talaga alam kung anu sasabihin. kung paano ko uumpisahan ang lahat. kung.. ewan! torpe. oo alam ko yan. ako yan eh.
matagal tagal kaming nagtext. minsa'y inask ako kung pwede daw ako sumama sa kanya manuod ng sine. eto nanaman si gago. napakadaming ginawang excuses para lang maka-hindi. loser talaga ako. ewan ko kung bakit ako takot. kung san ako nagdadalawang isip bakit ako humindi. pinagsisisihan ko talaga ung mga araw na un. bobo ko. oo sisihin mo na ako. ako yan eh.
nakalimutan ko na kung kelan to nangyare. may pinagawa ako sa kanya sa white board ko sa bebo. nagdraw naman sya. sinabeng mahal nya ako noon pero hindi na. nagulat naman ako tas bigla kong dinelete ung drawing na un (baka kasi makita ng iba eh). hindi ko na lang pinansin un. binalewala.
sa pangalawang beses. inask ulit akong manuod ng sine. ito nanaman si tanga humindi ulit. nanginig mga tuhod ko nun nung mga oras na un. tanga ko talaga. gusto pa naman akong ilibre. nakapanuod na sana ako ng libre. hay. anu ba yan. tanga talaga ni tanga.
hay. ngaun. 7th form na ako. sa pangatlong beses nakapagchat ulit kami. medyo nagbago na ang lahat. gumaan na ang lahat. as in lahat. nakakapagusap na kami sa shool ng kahit papanu hindi tulad ng dati na hirap talaga kaming makapagusap. hehe.
inask nya ako sa pangatlong beses at syempre sa dalawang pinagsisihan ko. nung mga oras na un. nakapanuod na din kami ng sine. naks! iba ung naramdaman ko nun. parang may chemistry na kaming dalawa. dun na nagsimula lahat ng makukulit na imagination sa isipan ko na kaming dalawa daw ang takda. basta ung mga parang ganun. haha
tinotopak talaga ako sa mga ganitong pangyayare kung san tumitibok ng triple triple ang dibdib minu-minuto. ewan ko nga eh. basta ung mga parang ganun.
napatanung ko sa sarili kung sya na ba? sabi ko oo. sya na nga. mukhang gusto nya naman ako at nagustuhan ko na din sya. ewan. gusto ko sana syang iask sa prom. parang bakla na natataranta tuwing nasa harap. tsk. pero okay lang nagiging close na din naman kami. napapadalaw minsan sa ulo ko na kaming dalawa na nga para sa isat isa. anu ba yan.
tatapusin ko na tong kalokohan ko.
kahapon, nakapagtext kami. hindi kasi masyado nagtetext kaya kinulit ko sya sa text tas nasabe ko na miss ko sya. tinanung nya ako kung totoo ba un. sabi ko oo. tinanung nya kung may gusto ako sa kanya. sabi ko oo. tinanung nya kung anung klase. kung as a friend daw ba or sumthing. sabi ko more than friend. un. hindi na sya nagreply. syempre parang gusto nyang ibahin ung usapan. ewan.
kanina. hindi nanaman sya syempre nagtetext. eto nanaman si linta. kinulit sa text. medyo okay naman hanggang sinabe nya na hindi ko sya pwedeng maging syota kasi may boyfriend sya. ouch. saket. kung kelan nagustuhan ko na sya at lahat lahat pa. dun pa nasira lahat. pero sabi ko okay lang kami. good friend na lang. diba?
Wednesday, April 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment