Tuesday, April 15, 2008

Argh!

Anu ba? Anu ba problema mo? Bakit ba ayaw mo ako lubayan? Ilang beses na kitang pinunit sa mga alaala. Hindi naman tayo nagkakaintindihan. Bakit parang iisa lang ang sinalangan nating dalawa. Asar na talaga ako sayo. Lintek naman oh. Hindi ka na nakakatuwa. Pinapaalis na kita kanina pa. Dinaan ko ang maliit na butas ng karayom para makita at masilayan yang walang tumbas na ngiti mo. Nanghihina ang tuhod at nanginginig ang katawan tuwing nakakaharap. Nabablanko ang isipan pag 'ka'y nakakausap. Wala. Patay ako sayo. Eto ang pangyayareng ayaw na ayaw ko sa lahat. Ang Mapaibig sayo. Alam kong alam mo na mahirap talaga 'to.

Tigas talaga ng kokote mo no? Asar na talaga ako. Pero sige bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para mapalabas ko sayo na totoo ako. Lahat ng gusto kong sabihin ay hirap lage. Hindi pa ako nasasanay na nakakausap ka. Sanay lahat ng ito'y maging maayos para tayo'y magkayos na din.

Sige. Pababayaan na kita. Sanay akin ka na lang.

No comments: